It was a very sunny morning…
I tried to write a poem about our nature, I wrote it in Filipino Language…
Here it is
Makulay na mga pakpak
paru-parong kulay alak
mata ko’y ayaw kumurap
Sa ganda nito at kislap
pinarami ang bulaklak
upang maghandog ng galak
sa tulad mong lumagapak
sa buhay nating di payak
ngayon kung ika’y malungkot
huwag ka ng sumimangot
maghanap ng bahaghari
problema mo’y mapapawi
Makulay aking paligid
tulad ng isang panaginip
parang ako’y nasa langit
tunay na kaakit-akit
