Ito lamang ang naiisip kong paraan
Para sa mga taong nasasaktan
Upang mapawi ang kalungkutan
Dahil sa taong manhid at walang pakialam
Maguumpisa ang kwento
Tungkol sa isang tao
Taong iniiwasan mo
Walang iba kundi ang mahal mo
Paano kung malaman mo
Na mahal ka pa nito
Anong magiging reaksyon mo?
Maniniwala ka ba dito?
O hahayaan mo lang ito?
Hindi ka pa daw niya napapakawalan
Siya lamang ay naguguluhan
ayaw ka na raw niyang masaktan
Kung kaya’t hindi ka niya mabalikan
Mata mo ay nagluha
Dahil hindi makapaniwala
Na siya pa rin pala
Ang makapagdudulot ng saya
Pilit mong inalam
Ang mga dahilan
Kung bakit siya ay naguguluhan
Ngunit hirap mo itong malaman
Ang daming sabi-sabi
Gulat ka sa pangyayari
Natahimik panandali
Wala kang ibang masabi
Marami kang naging tanong sa sarili
Nabigla ka sa iyong nalaman
Hindi mo inaasahan na matutuklasan
Na nagkaroon pala siya ng kasintahan
Noong panahong hindi kayo nagpapansinan
Bumigat ang iyong pakiramdam
Saya sa mukha ay lumisan
Bumalik ang kalungkutan
Umaming ikaw ay nasaktan
Ikaw man ay naguguluhan
sa iyong tunay na nararamdaman
nagkaroon naman ng kaliwanagan
ang ibang tanong sa isipan
Kung handa lang pala siya
Na kausapin ka
Naging maayos na sana
Ang pagkakaibigan niyong dalawa
Sagutin sana ng pabulong
Ang mga sikreto kong tanong
Bakit ba kasi urong ng urong
Gayong pwede namang sumulong?
