Mark the date: June 30. (kahit ano mangyari ang aalis ang tatlong a-TEH)
Fio: mon! alis tayo!
Mon: Tara!
Fio: Nood tayo movie. Eclipse.
Mon: Kelan ba showing nun?
Fio: Sa wed. Tamang-tama wala tayong pasok!!
Mon: Te, gusto mo makipagsabayan sa mga adik sa bampira? ako kasi, ayoko!
Fio: Ayyy!! Panalo! hahahahaha :))
Dumating ang June 30.
Fio: Mon and Clara, tara alis na tayo nangangati na paa ko.
Mon: Taraaaa! Nood tayo movie
Fio: Eclipse na lang kasi. Maghahanap na ko ng sched.
Mon: Sige na nga basta wala masyado pila (ayyy goodluck naman)
Fio: oh, eto SM Marikina. Halos lahat ng cinema eclipse palabas, every 20 minutes meron
Mon: O sige text mo ko wat time.
HAHAHAHAHA! Ayon. bandang huli nakipagsabayan kami pumila, at naging adik na din kami sa bampira!
Around 3pm nag-meet kami ni Clara sa Jolibee Parola (kumain kasi kami ng mudra ko).. Nagtext kami kay mon na papunta na kami sa SM Marikina.. Ganun din daw siya. Nauna kami ni clara sa mall. Akyat kami para bumili na ticket.. pagdating namin dun…. waaaaaaaaaah! ang haba ng pila.. buti na lng meron na mga nagtitinda ng ticket bukod sa mismong ticket booth. 3:45 kami nasa mall pero yung ticket namin is 5pm pa.. So no choice, kinuha na rin namin.

Dumating si Mon, habang nagpapalipas kami ng oras nag-ikot-ikot muna kami at bumili ng food. In the fair sa oras nung mga panahong yun ang bilis niya kasi hindi namin namalayan na mag 5pm na. Punta na kami agad sa Cinema 2 at sympre PAAAAAK! naloka kami kasi mahaba ulit ang pila hahahahahaha :)) ang dami adik sa bampira!
Pero atlist nakapasok na kmi sa loob ng sinehan at maganda pwesto namin sa taas at medyo gitna.. y not! nag movie date ang mga a-TEH! hahahahaha :))
Ayan na ngstart na ang trailer (ayy kailangan detalyado ang blog ko?) ehh pano di ako makaget-over kay mon halos lahat ng movie gusto panoorin haha (well, last airbender (:)
Nagstart ang movie.. tahimik kaming nanonood na tatlo.. naloka ako dahil puro kissing scene ang movie, Aba! eh tila sa twing magkikita si Bella at Edward wala sila ibang ginawa kundi maghalikan! (di ako makagetoverkay edward sarap humalik
YUMYUM) hahahaha landeeee ko amp..
Hanggang sa… eto na..
It’s Jacob time!! ng lumabas na siya.. ayy wala na.. di ko napigilan napasigaw ako ng : SYET! PAHINGI NG KANIN!!
bwahahahaha! di ko type di Jacob nung New Moon, pero bakit ganun, ang ayos ng itsura niya ngayon sa Eclipse. Katext ko si Teta nun kasi supposedly imi-meet namin sya after the movie.. eh wala na nung lumabas na si Jacob nakalimutan ko na katext ko siya baaaaaaad! haha
Well, hindi lang naman ang paghalik ni Edward at masarap na katawan ni Jacob ang napansin ko sa movie. Syempre napansin ko din na bat ang gwapo ni Jasper haha! I lurve him ang gwapo niya sa movie kaya nga naging team Jasper ako eh. at kung papansinin niyo lahat ng napansin ko sa movie puro kalandian ko lamang.
Kahit ganun pa man, wala ako masasabi sa kalandian ni Bella (kinabog ako, hindi ko talaga kinaya), hahalik kay at Edward( kasi masarap humalik) tas lilipat kay Jacob sabay yayakap (kasi maganda katawan). Hay anu be nemen bella! san ba makati?kakamutin ko para sayo!! hahahahaha ehh beket be inggitera ako! haha
Pero grabe talaga haba ng hair niya ha. Wala ako nasabi. lalo na nung:
Bella: Jacob stay. (parang aso lang talaga) haha at sympre nung sinabi niya kay Jacob na kiss me.
Kaloookkaaaa! heller bella may boyfriend ka kaya at nakikita ka ng boyfriend mo?! Sige ikaw na malandi ay este maganda pala! kaines!
Mahal niya si Jacob pero mas mahal niya si Edward! Ewan ko sayo! haha
Basta ako, gusto ko ang love team ni Alice at ni Jasper ♥
Sa tatlong twilight movie na napanuod ko masasabi kong Eclipse naman yung pinakamaganda. Kasi if nabasa mo yung libro, masasabi mong nakuha nila yung highlights or important scenes. Isa pa lahat sila nagevolve sa movie both appearance and acting. Can’t wait for Breaking Dawn *take note: mas malandi si bella dun, lagi nia yayain si Edward mag make love* hahahaha :))
After the movie, hindi na namin nameet si Teta, gabi na din kasi at sa Araneta pa namin sila tatagpuin.
So we decided na.. hindi pa din umuwi at magpunta sa the gate! YEY!
Guess what? Naginom kaming 3 dun, isang pitcher lang naman ng.. nakakalokong LONG ISLAND with matching kropek, nachos and syempre ang tapsilog ni mon! haha
Ang sabi ko kay kuyang tindero. Yung hindi matapang, sabi nia ahhh mam yung long island.
Eh para naman nakakaloko si kuya.. Hindi nga naman matapang.. sobrang tapang lang! ahahahaha
kaya ayon, alam na ang nangyari. maaga pa din naman kami umuwi kasi may pasok pa kami ni mon sa office kinabukasan.
Kinabukasan.. kwentuhan ang 3 a-TEH at sabay-sabay tumambling.
gusto niyo malaman kung bakit? samin na lang yun!! hahaha LABYUMAGURLS
